2019
This is an Entry to the Government Best Practice Recognition Awards
Title
Babae at Lalaki, parehas na iisa ang Puso, Kapwa Nilalang, Walang Dapat Makalamang
Organization
LGU Naujan, Oriental Mindoro
Best practice Focus Area(s)
Leadership, Customer and citizen focus, Human Resource
Year Implemented
2017
Summary
Ang “GAD Advocacy” ay isang programa ng Pamahalaang Bayan ng Najuan sa pamamagitan ng GAD Focal Point System (GFPS) na nakapaloob sa Sec. 9 ng Amended GAD Code s. 2017 sa ilalim ng Municipal Ordinance Big. 101 na akda ni Kgg. SB Member Vilma D. Vargas na noong mga panahong iyon ay siyang Chairperson ng Committee on Social Welfare, Gender Equality and Family.Â
Ang GAD Advocacy ng LGU Naujan ay naqsimula noong Setyembre 2017. Ang programang ito ay naglalayong imulat ang kaisipan ng maraming kababihan sa pamamagitan ng “Gender and Development” na kinikilala ng batas ang pantay na karapatan ng “Babae at Lalaki” pero hindi ito nangangahulugan na gustong pag-awayin ang babae at lalaki kapag ang pinag-uusapan ay anq karapatan.
Background and Problem
Layunin ng programang ito no mapalakas ang hanay ng kababaihan sa bayan ng Naujan. Sa kabila ng pagiging pinakamalaking bayan sa Oriental Mindoro, dahil binubuo ito ng pitumpung (70) barangays, maituturing na malaking hamon ito sa lahat ng naglilingkod at nangangarap pang maglingkod sa bayang ito. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan Naujan, binuo ang “GAD Speaker’s Team” bilang sagot sa problema tungkol sa paghahanap ng mga “Resource Speakers” na lubhang may kasanayan at sapat na kaalaman sa mga paksa at batas na may kinalaman sa Gender.Â
Sa bisa ng isang Executive Order No. 17-020 na inilabas ng Punumbayan, ganap na kinilala ng bayan ang grupong binubuo ng labindalawang (12) myembro na siya na ngayong katuwang ng munisipyo sa pagpapalaganap ng tunay na layunin at hangaring maipaabot sa lahat ng sektor ng Lipunan ang “Pantay na Karapatan ng mga Babae at Lalaki” sa pamamagitan ng mga pagsasanay na isinasagawa ng LGU. Sa katunayan simula taong 2017, hindi bababa sa apat (4) na pagsasanay ang naisagawa kada taon bukod pa dito ang isang araw na inilalaan ng bayan para sa pagdiriwang ng “GAD Advocacy Month” na ginaganap tuwina unang Linggo na Setyembre, kada taon.
Solution and Impact
Sinasabi na ang pinakamahalagang sangay sa bansa ay ang LGU – kung kaya’t nakasalalay dito ang mga pagbabago, pag-unlad at maging mga inobasyon na maaaring tangkilikin ng isang bayan. Masasabing matagumpay ang bayan ng Naujan dahil sa pagkakaroon ng isang Punumbayan na bukas ang kaisipan sa pagyakap at pagtanggap sa mga makabagong kaalaman na sa kaniyang puso at isipan ay makakapagbigay ng isang malusog at maunlad na Bayan. Isa sa matibay na kasangkapang ginagamit ng Punumbayan ang kanyang “Go Hearts” Program na kung saan ito ay kumakatawan sa Governance, Health, Education, Employment and Empowered Citizenry, Agriculture, Roads and Bridges, Trade and Industry, and Tourism at Sports. Sa mga programang ito nararamdaman ng mga Naujenos na ang Pamahalaang Bayan ay bukas at mulat ang isipan sa pagtugon sa mga pangangailangan sa kanyang mamamayan, “Go Hearts”- na ang ibig sabihin ay nasa puso ng mga tiga Naujan ang pagsunod sa mga itinakdang polisiya, at batas kung kayat taglay ng bayan ang isang mapayapa at naqkakaisanq mamamavan.
Kaalinsabay pa din ng programang ito, kung kaya nabuo ang isang kaisipan na dapat maipaalam sa mga Naujenos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Adbokasiya na naglalayong maipaabot ang kaalaman tungkol sa pantay na karapatan ng Babae at Lalaki bilang may pantay na karapatan. Sa pamamagitan ng mga ibat-ibang uri ng pagsasanay na isinasagawa ng tanggapan ng Punumbayan- sa ilalim ng Gender and Development Unit ay naipapaabot ang kaalaman tungkol sa “Gender And Development, VAWC (R.A.9262), Anti-Sexual Harassment , Magna Carta of Women (R.A. 9710), at Gender Mainstreaming. Simula ng magkaroon ng sariling yunit ang GAD – halos lahat ng sector ay nabigyan na ng pagsasanay tungkol so mga paksang nabanggit. llan sa mga sector na nabigyan na ng pagsasanay ay ang Cooperative Members, Farmer’s Association, Naujan Tricycle Operators and Driver’s Associations, Naujan Transport Service Cooperative, P.Os, Private Sectors, DepEd Sector, at maging ang mga Senior Citizens sa bayan ay nabigyan na ng pagsasanay tungkol dito.
Milestones
Nang dahil sa oras at panahon na inilalaan ng LGU tungkol sa GAD, lalong dumami ang mga kababaihang naging mulat tungkol sa kanilang mga karapatan at napag-alaman din nila kung paano ang isang lalaki at babae ay magkaroon ng pantay na pagtingin at pagkilala sa kaniÂkanilang karapatan.
Dahil din sa inisyatibo ng LGU, nakatanggap ito ng dalawang (2) pagkilala bilang Most GAD Responsive LGU sa iisang taon (2016) una noong Hunyo, 2016 at ang ikalawa ay noong Nobyembre parehas na taon. Ang pagkilalang ito ay pinangunahan ng Lalawigan. Hindi tumigil ang Pamahalaang Bayan sa paglalaan ng pondo sa tanggapan ng Gender And Development Unit upang maipagpatuloy nito ang kanyang programa, sapagkat ninanais po ng pamahalaan na ang pitumpung (70) barangay na nasasakupan nito ay pagkalooban ng mga pagsasanay na makakatulong sa kanilang pagkaunawa sa tunay na layunin ng Gender and Development.